After malasing at magtikiman sa loob ng PBB house… LOU AT ANDRE, NAGSORI LANG KAY KUYA, LUSOT NA!
- BULGAR

- Mar 8, 2019
- 2 min read

CONTROVERSIAL ang kissing ng dalawang housemates sa PBB Otso na sina Lou at Andre ilang araw na ang nakararaan.
Maraming nakapanood ng show ang bumatikos sa naturang episode at nagtatanong kung bakit ito pinayagan ni Big Brother.
Isang araw matapos ang halikan ng dalawang housemates, kinausap pala ni Andre si Kuya at nag-sorry sa nangyari. Hindi raw niya kagustuhan ‘yun at nadala lang sa sitwasyon dahil nakainom nga sila ni Lou.
Sabi pa ng 21-anyos na binata, “I told myself one thing: I didn’t want to kiss Lou until she was my girlfriend. And I want to ask her to be my girlfriend later sa labas once I get to know her in the real world.”
Pagkatapos mahimasmasan, sabi ni Andre, dapat ay hindi siya nagmadali at hinalikan si Lou.
In fairness kay Kuya, pinagsabihan naman nito si Andre na hindi nga dapat minamadali ang mga bagay at ipina-realize rito ang kanyang pagkakamali na puwedeng makapanakit ng ibang tao.
“I care about all of my housemates at ayaw ko silang masaktan. Isipin mo rin na ang lahat ng actions ay mayroong consequence. Walang masama sa pag-i-enjoy o sa pagkakasiyahan but be careful also, Andre. Take it slow…” payo pa ni Kuya kay Andre.
Aminado naman si Lou na pareho nga sila ni Andre na hindi napigilan ang isa’t isa dahil sa nainom na alak.
Handa raw siyang tanggapin ang consequence ng kanyang ginawa, maging ang galit at sermon na maririnig mula sa kanyang ama.
Paliwanag ni Lou sa nangyari, “Siguro, hindi lang po napigilan ‘yung sarili dahil du’n po sa alak. Tinry ko po talagang pigilan, eh, hindi talaga.
“Proud sa akin tatay ko, eh. Puro hampas makukuha ko nito, yari!
“Siyempre, Kuya, may sermon po ‘yun na sasabihin si daddy. Siyempre, magagalit siya. Alam ko dapat ‘yung consequences, Kuya. Siyempre, respeto ‘yun as a girl na hindi dapat ganu’n-ganu’n kabilis. Magso-sorry po ako, Kuya.”
As we write our column, wala pa kaming alam kung ie-evict ang dalawang housemates sa PBB house dahil sa nangyari.





Comments