top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

4 tiklo sa droga

Maeng Santos
Mar 8, 2019
1 min read

APAT na hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang dalawang nagbenta ng shabu sa pulis ang arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. David Nicolas Poklay ang mga naaresto na sina Jordan dela Cruz, 24; Mark Bench Torcuator, 20; Ronnie Rase, 30, at Rey Daniel Balangue, 21.

Ayon kay PS/Sgt. Ana Liza Antonio, ala-1:00 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Maj. Jowilouie Bilaro ang buy-bust operation kontra kina Dela Cuz at Torcuator sa Calle Onse St. sa koordinasyon sa PDEA.

Isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer ang nakaiskor ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P200 kina Dela Cruz at Torcuator.

Nang magkaabutan, agad sumalakay ang back-up na mga operatiba at dinamba ang mga suspek kasama sina Rase at Balangue na kaiiskor lang umano ng shabu.

Narekober sa mga suspek ang anim na sachets ng hinihinalang shabu, buy-bust money at P300.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page