140 patay sa dengue — DOH

UMAKYAT na sa 140 katao ang nasawi sa bansa dahil sa dengue habang umabot naman sa 36,664 ang tinamaan ng sakit.
Ayon sa DOH-Epidemiology Bureau (EB), ang mga kasong ito ay naitala mula Enero 1 hanggang Pebrero 23, 2019.
Nabatid na mas mataas naman ang bilang na ito kumpara sa 21,961 cases at 107 deaths lamang ang naitala nila sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.
Pinakamaraming nabiktima ng sakit sa age group na 5-9 at karamihan sa mga tinamaan ng sakit ay mga lalaki na umabot sa 19,455.
Ayon sa DOH, pinakamaraming nabiktima ng dengue sa Region 7 na umabot ng 4,089 kaso at 29 patay; sumunod ang CARAGA Region (3,876 kaso at 12 deaths); National Capital Region (3,821 kaso at 14 deaths); Region IV-A (3,767 kaso at 12 deaths) at Region 3 (3,070 kaso at 6 deaths).
Ang mga rehiyon na lumampas naman sa alert threshold ay ang Regions 5, 7, XII at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) habang ang mga rehiyon naman na lumampas na sa epidemic threshold ay ang Region 2, MIMAROPA, CAR at CARAGA.





Comments