Yaya Dub, after aminin si Arjo… EAT BULAGA!, IBOBOYKOT NG FANS DAHIL KAY MAINE
- BULGAR

- Mar 7, 2019
- 1 min read

BUKOD daw sa balak na pag-boycott sa Daddy’s Gurl ng ilang grupo ng AlDub fans, pati ang longest-running noontime show na Eat… Bulaga! ay hindi na rin nila tatangkilikin hangga’t nandu’n si Maine Mendoza.
Well, gaano ba kalakas ang grupong ito upang makayang yanigin ang programang Eat… Bulaga! na bumilang na nang apat na dekada sa ere at hinding-hindi mapantayan ng kahit ano pang noontime show ang record na naitala?
Kahit na noong wala pa ang tambalang Alden Richards/Maine Mendoza ay super-lakas na ng EB! sa mga viewers. Eh, di lalo na ngayong patok na patok sa lahat ang Boom segment ng show at ito ngayon ang malakas na panghatak nila.
Hindi kailanman mapapadapa ang EB! ng AlDub fans!





Comments