Um-attend sa b-day party, ginilitan
Levi Gonzales
Mar 7, 2019
1 min read

DEAD-ON-THE-SPOT ang construction worker matapos gilitan ng isang matador sa Bgy. Calimpak, Guinyangan, Quezon.
Alas-11:30 ng gabi nasa pagdiriwang ng kaarawan ang biktimang si Joel Geronda, 47, kasama ang ilang kaibigan habang nag-iinuman nang makasagutan ang suspek na si Santiago Desdir, 56, kapwa residente sa nasabing lugar.
Umuwi muna ang suspek at pagbalik nito ay armado na ito ng patalim saka sinaksak sa katawan ang biktima at ginilitan.





Comments