top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Truck vs. bus, 34 nadale

Mylene Alfonso
Mar 7, 2019
1 min read

TATLUMPU’T APAT ang sugatan matapos mag­bang­gaan ang trailer truck at pampasaherong bus kama­kalawa ng gabi sa panulukan ng San Marcelino at Re­me­dios Sts., Malate, Manila.

Ayon sa Philippine Red Cross, 28 sa mga sugatan ang dinala sa Ospital ng Maynila, Philippine General Hospital at Manila Doctors Hospital. Ayon kay Nelson Nati­vi­dad, team leader ng Red Cross-Manila Chapter, nag­tamo ng minor injuries ang mga biktima.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, mula Lawton pa­tungong Cavite ang bus na Kersteen Joyce (DXG 860) na minamaneho ni Joseph Mojica nang masalpok ng trailer truck (DUD 688) na minamaneho naman ni Noli Mendoza, ang likurang ba­­hagi nito dahilan para ito ay tumagalid.

Galing eastbound lane ang bus at patawid ng San Marcelino St. nang ma­bangga ng trailer truck mula south­bound lane ang likod nito. Nasa kustodiya na ng pu­lisya ang mga driver ng truck at bus.

Ayon sa Manila Police District-Station 5, alas-9:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Ang nabanggit na insi­dente ay nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page