top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Supplier ng ecstasy in-ambush

Jeff Tumbado
Mar 7, 2019
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang hinihinalang supplier ng ecstasy at iba pang party drugs sa Mandaue City, Cebu, Miyerkules ng tanghali.

Kinilala ni Police Colonel Julian Entoma, ang umano’y drug dealer na si Neil Benjamin Yap na niratrat ng mga hindi pa nakilalang suspek habang nagmamaneho sa F. Seno Highway kanto ng E. Rosal St., Bgy. Guizo sa nasabing lungsod.

Patawid na umano ng F. Seno Highway ang biktima nang lapitan ng mga nakamotorsiklong suspek saka pinagbabaril si Yap.

Ani Entoma, kabilang si Yap sa matrix ng mga hinihinalang supplier ng ecstasy sa Metro Cebu. Mayroon na ring record ng kasong may kaugnayan sa iligal na droga at naaresto noong Enero 2018 at nakulong na sa Mandaue City Jail.

Inaalam na ng pulisya kung paano nakalabas ng piitan si Yap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page