Shoutout sa mga nahuhulog na ang loob diyan... TIPS PARA MAKONTROL ANG NARARAMDAMAN
- Donna Thea Topacio
- Mar 7, 2019
- 2 min read
No Problem

MARAMI sa atin ang nagkakamali dahil masyado tayong nake-carried away sa mga nangyayari, lalo na ‘yung mga taong mabilis mahulog ang loob kung saan mas nagkakamali sila sa pagdedesisyon at hindi na nila nakokontrol ang kanilang emosyon, ‘yun lang! Kaya naman para dehins masaktan nang sobra, narito ang ilang tips para sa inyong lahat:
1. SELECT THE SITUATION. Iwasan ang mga sitwasyon na maaaring maka-trigger ng damdamin, lalo na kung usaping-pag-ibig na ang nakataya. Kaya, beshy, dapat dehins tayo magiging shunga, ha, kung ayaw nating umiyak na naman at maging manhid na. Ouch!
2. MODIFY THE SITUATION. Kung keri pang baguhin ang nangyayari, baguhin ito dahil sa totoo lang, ito ang nagiging pangunahing dahilan kung bakit marami sa atin ang nadadala ng sitwasyon kung saan ang ating emosyon ay maaari ring maapektuhan. Bukod pa rito, keri rin itong maka-trigger ng iba’t ibang mental health disorder. Hala!
3. SHIFT YOUR ATTENTIONAL FOCUS. Para makontrol mo ‘yung feelings mo, lalo na kung alam mong hindi ito tama o masyadong mabilis, make sure na maghahanap ka ng ibang bagay na maaari mong pagtuunan ng pansin tulad ng pakikihalubilo sa pamilya, kaibigan at iba pang malalapit sa buhay mo. Try n’yong mag-bonding, malay ninyo mas maging malapit pa kayo sa isa’t isa. Oh, ‘di ba, bongga?
4. CHANGE YOUR THOUGHTS. Ooops! Huwag puro puso ang paganahin, gamitin din ‘yung utak ‘pag may time, okie? Minsan, ang puso nagkakamali rin ‘yan dahil sa totoo lang, mas mahina ang puso kaysa sa utak. Woah! Imagine, kaya nga nasa ulo ang utak, eh. He-he-he!
5. CHANGE YOUR RESPONSE. Matuto tayong magbago ng desisyon, hindi para patunayang wala tayong paninindigan kundi para hindi tayo magsisi sa huli. Ang sakit kaya maiwan, ‘di ba, beshy?
Oh, ayan, mga beshy, make sure na maghihinay-hinay at babalansehin ang pagdedesisyon ng puso at isipan.
Have a smarter life, mga beshy!
Copy?




Comments