top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pinaghinalaang mangkukulam | GINANG KINATAY

Jeff Tumbado
Mar 7, 2019
1 min read

PATAY sa pananaga ang babaeng pinaghinalaang mangkukulam sa San Ildefonso, Bulacan.

Putol ang mga kamay at may mga taga sa ulo at braso ang biktimang si Mary Sanchez, 58, residente ng nabanggit na bayan.

Sa salaysay sa pulisya ng anak ng biktima na si Menard, narinig nito ang pagsisigaw ng ina sa loob ng bahay ng ginang at kanyang pinuntahan.

Naabutan na lamang niyang wala ng buhay ang duguang ina habang tumatakbo palayo ang kapatid ng kinakasama ni Sanchez na si Michael Reyes.

Sa paunang imbestigasyon ni Police Patrolman Gringo Durante, pinagkamalan umano ni Reyes na mangkukulam ang ginang ngunit, sinasabing albularyo ito at nanggagamot ng may sakit.

Agad namang nadakip ang suspek kasunod ng inilunsad na follow-up operation ng mga awtoridad.

Inamin umano ng suspek ang krimen ngunit, mayroon siyang ibang motibo.

“Nagkasagutan po kasi kami doon sa bahay kasi po kinausap ko po siya, nu’ng umuwi ako du’n sa kanilang bahay, kung bakit bumalik ulit siya. Kasi nakiusap na po ako sa kanya noong dati pa na iwanan na niya ang kuya ko,” paliwanag ni Reyes.

“’Yung galit ko… kasi nagdilim na ‘yung paningin ko nu’ng nagkaroon kami ng argumento,” dagdag pa ng suspek. Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page