Pekeng pampaganda at pampaputi nakumpiska
- Mylene Alfonso
- Mar 7, 2019
- 1 min read

KINUMPISKA ng mga tauhan Food and Drug Administration (FDA) ang mga pekeng pampaganda at pampaputing produkto makaraang magkasunod na salakayin ang dalawang establisimyento sa Antipolo City at Matina Davao City.
Ayon kay FDA Dir. General Nela Charade Puno, unang sinalakay ang dalawang sangay ng Misumi Direct Sales sa Maya Ave., Okinari Bldg., Merville Park Subd. San Roque, Antipolo City na pag-aari ng isang Donnah Mae Martinez-Miranda.
Kabilang sa mga kinumpiska ay Bihaku Aha Blue Booster with Blueberry Fruit Extract, Skin whitening products, Bihaku whitening lotion, Seoul Beauty Pore-Fect Powder Infuse with Snail 30ml.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa rules and regulation ng FDA si Martinez dahil sa pag-o-operate nito nang walang License to Operate (LTO) at Certificate of Product Registration (CPR) mula sa FDA.
Sinalakay din ng mga tauhan ng FDA ang Misumi Direct Sales sa Vastland Bldg., McArthur Highway cor. Topaz St. Matina, Davao City na nakumpiskahan din ng mga pekeng produkto na nagkakahalagang P220,560.
Ayon kay Puno, ang mga nakumpiskang produkto ay kabilang sa 34 na unregistered at potential hazardous cosmetic products.





Comments