Pasahero ng LRT, tiklo sa shabu

KALABOSO ang 42-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng iligal na droga nang sasakay sana ng Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) sa Cubao Station, Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Carlito Vicente de Leon, Jr., may asawa at residente ng Santolan, Pasig City.
Agad ikinulong sa Cubao Police Station 7 ng Quezon City Police Dstrict (QCPD) ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa impormasyon ng QCPD, alas-8:00 ng Martes ng gabi nang pasakay ng LRT-2 ang suspek sa Cubao Station.
Gayunman, nang dumaan sa x-ray inspection ng LRT-2 ay nakita sa mga gamit ng lalaki ang iligal na droga.
Ayon kay Police Senior Master Sargeant Jade Gavina, nakuha sa suspek ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu at anim na aluminum foil na nakabalot sa papel.





Comments