top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Na-bad trip nang marinig na isinigaw ang name ni Darren… JK, MINURA NG NG PUT*NG INA ANG NANONOOD

  • Beth Gelena
  • Mar 7, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

NAPAKALUTONG palang magmura nitong si JK Labajo.

Napanood namin ang video ng isang gig niya kung saan kasama ang mga kaibigan ay nagsisigawan ang mga fans. Hindi ang pangalan niya ang binabanggit kundi name ni Darren Espanto.

I love you, Darren,” sigaw ng isang fan na nangingibabaw ang tinig. Nairita si JK at sinabing “Tumigil ka na! Put*ng ina mo! Kanina ka pa, nakaka­buwisit ka na!”

Hindi nagustuhan ng mga naka­panood ng video ang ginawa ni JK. Kaya naman, bumaha ang negatibong komento laban sa young singer.

“Sad to see this kid is misguided. Kahit joke pa ‘yan... iba pa rin ang mabait na lalaki na hindi pa-cool in this generation.

“Grabe naman ang bibig niya, ang lutong ng mura.”

May mga nagsasabi pang baka matulad daw siya sa aktor na si Baron Geisler.

“He surely has the makings of a delinquent, baka maging Baron siya,” komentong nabasa namin.

May supporter din naman si JK na nagtatanggol sa kanya.

“Bastos naman kasi ‘yung sumisigaw. Siyempre, nakaka­pa­hiya rin sa part ni JK. Akala ata nu’ng sumisigaw, siya lang walang manners. Eh, ang taong buwisit, biglang sinasaniban ng topak.”

“Hindi ko sinusuportahan ito, pero napanood ko ‘yan sa Rakrakan festival. Doon ‘yan nangyari. ‘Yung trash talk, part ‘yan ng Rakrakan. Pero I think napikon siya kasi nagsisigaw ‘yung fan, parang troll,” saad naman ng nakapanood ng show.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page