Miyembro ng Abu Sayyaf tiklo
ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Madaup, Ipil sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Maldimar Mahmor, miyembro ng ASG na nakabase sa Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nasa Bgy. Madaup si Mahmor kaya agad itong pinuntahan ng tropa ng pamahalaan at dito dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban si Mahmor nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa nasabing barangay.





Comments