Lumabag sa campaign rules | MGA PASAWAY NA KANDIDATO, SECRET — COMELEC

HINDI isasapubliko ng Commission on Elections (Comelec) ang pangalan ng mga kandidato na pinadalhan na nito ng notice dahil sa hindi pagsunod sa mga panuntunan sa campaign materials.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, bahagi na ito ng due process na kanilang ibinibigay sa mga kandidato.
Una rito, nagsagawa ang poll body ng documentation sa mga kandidatong lumabag sa mga guideline sa campaign materials.
Hindi pa sakop nito ang mga kandidato sa lokal na posisyon dahil sa Marso 26 pa ang simula ng campaign period para sa mga local candidate.
Puwedeng gawing batayan ng Comelec sa election offense laban sa mga kandidato ang mga campaign ad nito na hindi sinunod ang 2x3 feet na sukat ng mga campaign material at wala sa common poster areas.





Comments