top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Kung mayroong batas na nagsusulong ng pagtuturo ng life support sa mga eskuwelahan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 7, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Sa panahon ngayon na kabi-kabila na ang mga nangya­ya­ring aksidente, parti­kular sa labas ng bahay kaya naisip nating mahalagang mag­karoon ang kaba­taan ng kaalaman tungkol sa mga basic procedure sa pagbi­bigay ng life support kaya nais nating ma­la­­man kung mayroon ba tayong batas na nag­susulong sa pag­tu­turo ng “life support” sa mga esku­welahan? —Kenneth

Dear Kenneth,

Para sa inyong ka­ala­man, ang inyong katanungan ay binig­yang-linaw ng Section 3 ng Republic Act No. 10871, o mas kilala bilang “Basic Life Support Training in Schools Act” kung saan nakasaad na:

“SEC. 3. Basic Life Support for Basic Education Students. – It shall be the duty of all public and private basic education schools operating nationwide to provide their students with basic life support training through the use of psychomotor training in an age-appropriate manner. The instruction shall include programs which have been developed by the Philippine Heart Association (PHA) or Philippine National Red Cross (PNRC) using nationally-recognized, evidence-based guidelines for emergency cardiovascular care, and psychomotor training, to support the instruction. As far as practicable, basic education schools shall incorporate basic life support training as part of the schools’ comprehensive health and physical education curriculum.” (Binigyang-diin)

Maliwanag sa na­banggit na batas na tungkulin ng lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan ng mga pangunahing edu­kasyon (basic education) na bigyan ang kani­lang mag-aaral ng pag­sa­sanay sa basic life support sa pamama­gitan ng psychomotor training na naaangkop sa kanilang edad na magiging bahagi ng kanilang kurikulum sa kalusugan at pisikal na edukasyon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong kata­nungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay naka­ba­se sa inyong mga naisa­laysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibi­gay. Mas mainam kung personal kayong sa­sang­guni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page