top of page
Pokwang.jpg

Hugpong ng Pagbabago, atras sa hamong debate ng Otso Diretso, boksing na lang!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 7, 2019
1 min read

READY ang mga government executive sa El Niño.

Ready na silang nakawin ang calamity funds!

◘◘◘

BINASTED ng Hugpong ng Pagbabago ang hamong debate ng Otso Diretso.

Kung magboksing na lang kaya sila?

Sports lang!

◘◘◘

NASUSUKOL na ang ISIS sa kapiranggot na kuta sa Syria.

Huwag sana silang lumipat sa Bangsamoro!

◘◘◘

BAKIT hindi napigil ng U.S. ang pag-reclaim ng China sa mga isla sa Spratlys?

Isa ‘yang malaking tanong na hindi sinasagot!

◘◘◘

WALANG kakayahan ang U.N. at U.S. na ipatupad ang desisyon ng International Tribunal.

‘Yan ang problema!

◘◘◘

NANGHINA at nabali ang gulugod ng ISIS nang tumulong sa frontline ang Russia.

‘Yan ang mapait na katotohanan!

◘◘◘

DARATING sa bansa si Mahathir Bin Mohamad.

Wala bang magpoprotesta para idepensa ang Sabah?

◘◘◘

MALAYANG-MALAYA ang operasyon ng video karera sa Baseco at Parola sa Maynila.

Sino ang kumokopo ng tara?

◘◘◘

Richest Pinoy si ex-Senate President Manny Villar.

Pero, hindi tumalab ang kanyang “datung” nang kuman­di­datong pangulo ng bansa!

◘◘◘

MARAMI ang nagseselos sa rami ng propaganda ni ex-SAP “Bong” Go.

Weder-weder lang ‘yan!

He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page