top of page
Pokwang.jpg

DYIP, NAKADISGRASYA ULI, NAGMALUPET SI ABUEVA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 7, 2019
2 min read

LUMALAKAS ang tsansa ng Columbian Dyip na sumampa sa susunod na phase matapos kalusin ang Rain or Shine Elasto Painters, 85-82 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Tumikada si Rashawn McCarthy ng 22 points at 5 rebounds upang ilista ang 4-5 karta ng Dyip habang bumakas si Jackson Corpuz ng 12 puntos at 8 boards.

Malaking bagay din sa panalo ng Dyip si super rookie CJ Perez na nagtala ng 11 markers, 11 rebounds at tatlong assists.

May pagkakataon sanang makahirit ng overtime game ang ROS subalit nagmintis ang tres ni two-time MVP James Yap. Maagang uminit ang opensa ng ROS matapos nilang hawakan ang 11-point lead, 26-15 sa first canto

.

Hindi nagpabaya ang Dyip, humarurot ng 27-14 sa 2nd quarter para maagaw ang bandera, 42-40 sa halftime.

Ganadong naglaro sa third canto ang Dyip nagpatuloy ang pananagasa kaya umalagwa ang kanilang lamang sa pito, 66-59 papasok ng 4th.

Pero nakahabol ang ROS sa kalagitnaan ng payoff period, naitabla nila ang iskor sa 73-All matapos isalpak ni Mark Borboran ang tres may 6:54 minuto pa sa laban.

Subalit nanatili ang tibay ng dibdib ng Dyip kaya naitakas nila ang matamis na panalo. Nagtala si Borboran ng 21 pts. para sa ROS na nalasap ang pangalawang sunod na talo habang tumikada si Yap ng 12 pts. at 7 boards.

Tangan ng RoS ang 7-3 record, nasa 2nd place sila ng team standings habang solo sa tuktok ang Phoenix Fuel Masters na kapit ang 7-1 baraha. Samantala, sa ikalawang laro, tinalo ng Phoenix Fuel Masters ang Magnolia Hotshots sa bisa ng 89-87.

Bumida sa laban si Calvin Abueva sa 24 puntos. Mga laro bukas: (Araneta Coliseum) 4:30 p.m. - NorthPort vs Meralco: 7:00 p.m. - San Miguel Beer vs NLEX. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page