Bebot pinatay, isinilid sa drum

NATAGPUAN ang hindi kilalang bangkay ng babae na nakasilid sa drum kahapon ng umaga sa Taguig City.
Patuloy na inaalam ng Taguig City Police ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng stripe na sando, asul na short at mala-golden brown na mahabang buhok.
Ayon sa pulisya, alas-7:04 kahapon ng umaga nang matagpuan ang biktima sa Bgy. Central Bicutan matapos makatanggap ng tawag ang duty officer ng Police Community Precinct (PCP-2), Taguig City Police mula sa mga bantay-bayan ng Bgy. Central Bicutan.
Sa pagresponde ng mga pulis, tumambad sa kanila ang bangkay ng babae na nakasilid sa drum at nakatali ng alambre ang leeg.
Posibleng pinahirapan ang biktima bago ito pinatay, isinilid sa drum at itinapon.





Comments