After 10 yrs. HIV PATIENT, ‘IN REMISSION’ NA
ISA pang HIV patient ang nasa ‘in remission’ na sa naturang virus kung saan ito ay nagpapatunay na maaaring magamot ang virus na nagdudulot ng AIDS.
Sampung taon nang ma-diagnosed sa HIV ang pasyente, hindi na ito nakitaan ng virus sa loob ng halos 19 buwan.
Upang gamutin ang kanyang blood cancer, sumailalim sa bone marrow transplant ang pasyente.
Tumanggap ito ng stem cells mula sa mga donor na may presensiya ng genetic mutation na mababa sa 1% dahilan para maiwasan ang paglaganap ng HIV.
Ayon sa mga eksperto, isa itong landmark development makalipas ang sampung taon nang maitala ang unang pasyente na naka-survive sa HIV.





Comments