Tagtuyot at tag-init nararamdaman na, taghirap ramdam din, tsk-tsk-tsk!

APRUB kay P-Digong ang paglalabas ng narcolist.
Siyempre!
◘◘◘
ITINALAGA ni PRRD bilang bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas si Budget Secretary Benjamin Diokno.
No joke!
◘◘◘
NARARAMDAMAN na ang tagtuyot at tag-init.
Kasabay ito ng taghirap!
◘◘◘
TUMAAS na ang presyo ng LPG.
Tataas na rin ang presyo ng tsibug.
Magsasarado na ang mga turu-turo at karinderya!
◘◘◘
NAGHIHIKAHOS na ang mamamayan.
Tumatakbo ang mga taxi at pampasaherong dyip nang walang sakay!
◘◘◘
HINDI pa rin binibitawan ng mga kandidato ang multi-bilyong campaign fund.
Ang mga botante ay nakatunganga lang!
◘◘◘
DIREKTANG binibili nang paunti-unti ang mga botante.
Dati-rati ay mga “special watcher” ang binabayaran.
Ngayon, lahat ng botante ay “may karga”!
◘◘◘
PERO may bagong uso.
Imbes na botante ang “binabayaran”, ang mismong kandidato na ang “for sale”.
Kumbaga, shortcut!
◘◘◘
MAY batas laban sa vote-buying?
May batas ba laban sa “COC for sale”?
Wehhh!





Comments