top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Rumored BF ng aktres, panggulo sa love team… BIANCA AT MIGUEL, TAGILID DAHIL KAY RURU

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / BIDA

HINDI lang ang mga fans nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang excited nang mapanood ang epic seryeng Sahaya na kanilang pagbibidahan at title role si Bi­anca.

Sobrang excited na rin ang mga Kapuso viewers na naka­panood na sa dalawang teasers na inilabas ng GMA-7.

Nangako ang mga Kapuso viewers na panonoorin at susu­portahan ang Sahaya. Nagagan­dahan sila sa story nito na para raw Amaya noon ni Marian Rivera.

Ginastusan ng network ang Sahaya mula sa malaking cast, sa location, technical aspect at iba pang aspeto para gumanda ang kalabasan ng epic serye.

Kabilang sa cast si Mylene Dizon na muling mapapanood sa GMA-7 at tinang­gap ang Sahaya dahil nagustuhan ang project at ang role niya bilang ina ni Sahaya. Si Zoren Legaspi ang gaganap na ama ni Sahaya.

Naalala namin, may movie sina Bianca at Miguel under APT Entertainment titled Banal. Bakit kaya hindi isabay ang showing nito sa airing ng Sahaya para sabay ang promo?

Sa Sahaya, malalaman kung susu­por­­ta­han ng BiGuel fans nina Bianca at Mig­uel ang epic serye kahit alam nilang umeeksena si Ruru Madrid.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page