Mga empleyado ng munisipyo na nagkukulang sa serbisyo-publiko dahil sa paglalaro ng online games, la
- Ryan B. Sison
- Mar 6, 2019
- 1 min read

SA bayan ng Naval sa lalawigan ng Biliran, Leyte, ipinagbawal na sa mga empleyado ng munisipyo ang paglalaro ng Mobile Legends at PUBG o Player Unknown’s Battlegrounds, lalo na kung oras ng trabaho.
Kasunod ito ng reklamong nakarating sa mayor ng nasabing bayan na marami umanong empleyado ang naglalaro ng online games habang nagtatrabaho.
Totoo naman ito, lalo na kung nakaaapekto na sa pagseserbisyo sa publiko tulad na lang ng mga nangyayari sa kasalukuyan kung saan maraming ahensiya ngayon sa ating bansa na pahirapan pa rin ang mga proseso na matagal na nating inirereklamo.
Gayunman, nakalagay sa memo na ipinakalat sa munisipyo sa Naval, Biliran na kung sino ang mahuhuling naglalaro ng MoBa o PUBG sa oras ng trabaho ay papatawan ng termination o pagsibak sa trabaho.
Alam nating marami ngayon ang adik sa paglalaro ng iba’t ibang online games, pero dapat matuto rin tayong ilugar ito nang sa gayun ay walang magiging aberya hindi lang sa trabaho kundi maging sa ating pagkatao kung saan dapat ay may limitasyon din tayo.
Tandaan, okay lang ang magkaroon ng libangan basta huwag dito iikot ang ating buhay kung saan mapababayaan natin ang ating tungkulin at sinumpaan sa bayan.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments