top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malacañang, naalarma na rin sa ‘Killer Online Game’

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2019
1 min read

FAKE man o totoo, pinakikilos na ang ilang ahensiya ng gobyerno laban sa binansagang ‘Killer Online Game’.

Pinakikilos na ng Malacañang ang Department of Information and Technology (DICT) at Department of Education (DepEd), laban sa “Momo Challenge” sa social media dahil sa panganib na dulot ng nasabing internet game.

Bukod sa DICT at DepEd, dapat ding kumilos ang mga magulang.

Bantayan ang mga anak at alamin ang kanilang mga ginagawa, partikular sa mga may kaugnayan sa internet.

Nakaaalarma ang bantang ito lalo pa’t may ilang insidente nang naiulat na may mga nabibiktima na nito.

May mga bata umanong nahihikayat na gumawa ng masama tulad ng pananakit hanggang sa pagpapakamatay.

Para naman sa mga nasa likod ng kalokohang ito, tigilan n’yo na!

Ang internet at social media ay ginawa para sa pangangailangan at libangan hindi para kumitil ng buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page