top of page

Lalo na at napakaraming puwedeng puntahan at gawin... TIPS PARA MAPAGPLANUHAN NG MAAYOS ANG BAKASYON

  • Jersey Sanchez
  • Mar 6, 2019
  • 2 min read

ITAAS ang kamay ng mga excited na riyan na magba­kasyon. Ha-ha-ha! For sure, ‘yung iba riyan ay sobrang exci­ted na — ‘yung tipong hindi ma­laman kung ano ang uunahin niya dahil napa­karami niyang gustong gawin. Oks lang ‘yan dahil narito na ang ilang mga aktibidad na puwede ninyong gawin ngayong bakas­yon:

1. CHOOSE A WEEKLY THEME TO TRY. ‘Ika nga nila, mas nakatutuwang su­mubok ng mga bagay kung mayroong iba’t ibang variety nito. Halimbawa, nga­yong linggo ay gagawa kayo ng mga pi­sikal na aktibidad tulad ng hiking, pag-e-ehersisyo at iba pa. Sa susunod na linggo naman ay mga aktibidad na may kaug­na­yan sa tubig tulad ng pagbisita sa water­parks o pagsu-swimming. Oh, ‘di ba, bongga?

2. TRY SOMETHING NEW. For sure, hindi tayo nawawalan ng mga ba­gay na gustong subukan kaya mga besh, it’s time para ilabas ang iyong bucket list nang sa gayun ay isa-isa mong magawa ang mga bagay na na­kalista roon. Gayun­din, kung mayroon ka­yong mga tsikiting, subukan ninyo silang tanungin tungkol sa mga bagay na gusto nilang gawin nga­yong ba­kasyon. Sa ganitong paraan, si­gura­dong mag-e-enjoy ang bawat isa. Copy?

3. VISIT AMUSEMENT PARKS. Perfect timing ang summer para bu­misita sa mga amusement park dahil ma­susulit ninyo ang mga ride-all-you-can promo. Gayundin, magandang pagka­ka­taon ito para ma-overcome mo ang iyong takot sa heights o rides. 2019 na kaya be fearless, mga bes! He-he-he!

4. CAMPING. Suwak na suwak ito sa mga beshy natin diyan na gustong sumubok ng adventure ngayong sum­mer, gayundin ang mga mamshie na gustong turuan sina bagets na maging resourceful at madis­karte. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Yayain na ang inyong barkada at simulan ang ex­citing na camping ninyo nga­yong summer!

5. TRY FISHING. Mayroong mga mamshie riyan na gustong mag-enjoy si bagets, gayundin na may ma­tututunan siya mula rito. Kaya mga mamsh, inirerekomenda namin ang pangingisda. Hindi sa dagat, ha? Sa mga fishing pond lang, mga besh. He-he-he! Sa ga­nitong paraan, matututo si bagets na maging matiyaga dahil ‘ika nga nila, hindi lahat ng bagay ay naku­kuha natin kung ka­ilan man natin gugustuhin. Ganern!

6. PICNIC. Kung food trip at chill ang trip ninyo, eh, gora na sa grocery o palengke at bilhin ang mga pagkain na gusto ninyong dalhin sa picnic. Make sure na hindi puro sitsirya ang mga bi­bilhin ninyo, ha? Mabuti ring magka­roon ng mga prutas na usung-uso nga­yong sum­mer tulad ng mangga, pak­wan, pinya at iba pa. Yum!

7. WATCH SUNRISE OR SUN­SET. Ito ang pinakasimple at pinaka-tipid na puwede ninyong gawin, mga besh! ‘Yung tipong pupunta lang kayo sa rooftop o ter­race para masaksihan ang pagsikat at paglubog ng araw. Para sa iba, hindi ito ga­anong exciting pero mga besh, siguradong mag-e-enjoy kayo sa pagkakataong ito.

For sure, ilan sa mga aktibidad na ito ay gusto ninyong i-try kaya mga bro at sis, ihanda na ang inyong planner para ilista ang mga bagay na gagawin ninyo. Make sure na mag-e-enjoy kayo mga besh, ha? Have a happy and mea­ningful summer! Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page