top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kaliwa’t kanang proyekto, umaarangkada | Oposisyon, alanganing manalo sa administrasyon ngayong hala

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2019
2 min read

PAANO mananalo ang oposisyon sa eleksiyon kung bawat araw ay may magandang balitang lumalabas na nagpapakitang mas umuunlad na ang ating bansa?

Kahit anong gawing banat ng mga dilawan sa administrasyong Duterte ay hindi sila paniniwalaan ng masa, bakit?

Dahil nakikita ng taumbayan ang mga pagbabago sa paligid.

Nariyan ang malaking pagbawas sa bilang ng karumal-dumal na mga krimen. Noong panahon ni ex-P-Noy, halos linggu-linggo ay mayroong balita ng patayan at rape gawa ng mga bangag sa droga.

Nariyan din ang lantarang panghoholdap at pagkarnap sa gitna mismo ng daan.

Ngayon, takot na ang mga kriminal at adik kaya bumaba ang crime rate sa buong bansa. Ibang-iba talaga kapag hindi dilawan ang nahalal bilang mga lider ng bayan.

Marami ang excited sa inuumpisahang Metro Manila Subway, ang kauna-unahang subway sa Pilipinas.

Nag-groundbreaking kamakailan ang Department of Transportation (DOTr) para sa subway na tatakbo mula Valenzuela City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport. Nakakainis, kailan ba ibabalik ang dating pangalan ng airport, ang mas magandang Manila International Airport?

Ang biyahe mula Valenzuela City hanggang sa airport ay aabot na lang ng 30 minuto kung sakay ng subway. Hindi tulad ng MRT at LRT, ang mga tren para sa MM Subway ay mas mabigat at tatakbo ito underground o sa ilalim ng lupa.

Gagamit ng “tunnel boring machine” ang DOTr at DPWH, mga hi-tech na makinarya mula sa Japan na huhukay ng tunnel o lagusan ng tren.

Planong tapusin ng gobyerno ang unang tatlong istasyon sa Valenzuela, Tandang Sora at North Avenue bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

“Tatapusin natin ito sa 2022. Ito ang gagawin natin. Sa mga nagdududa, maniwala kayo,” sabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Magiging earthquake-proof at flood-proof din daw ang MM Subway, ayon sa DOTr. Tutulungan ng Japan ang Pilipinas sa pagpopondo ng mamahaling proyektong ito. Isa pang mahalagang imprastruktura na inumpisahan nang gawin ay ang NLEX-SLEX Connector Road Project.

Sa pamamagitan ng bagong highway ay magkakaroon na ng koneksiyon sa pagitan ng North Luzon Expressway at South Luzon Expressway.

Ibig sabihin, hindi na kailangang dumaan sa EDSA ng mga sasakyan na bumibiyahe mula norte papuntang katimugan at vice-versa. Isipin ninyo ang libu-libong trak, bus at iba pang sasakyan na hindi na tatawid sa EDSA.

Siguradong mababawasan nang husto ang mabigat na trapiko sa Metro Manila.

Nagawa na rin ang NLEX Harbor Link Highway na magpapabawas ng oras ng pagbiyahe mula sa Valenzuela City hanggang sa Port Area.

Isang elevated expressway ito kaya siguradong maiibsan ang trapiko sa EDSA at sa norteng bahagi ng Metro Manila tulad ng Malabon at Caloocan

. Ang mga trak at container van din mula sa Port Area na papuntang Northern Luzon ay hindi na kailangang dumaan sa EDSA. Sa pamamagitan ng highway na ito ay diretso na sila mula sa daungan papuntang NLEX at mga probinsiya sa norte.

Dumalo si Pangulong Duterte sa groundbreaking para sa NLEX-SLEX Connector Road. Ang elevated highway na ito ay nakakabit din sa Skyway Stage 3.

Mababawasan na ang pagbiyahe mula NLEX papuntang SLEX (o kasalungat na biyahe) mula dalawang oras sa kasalukuyan sa 20 minuto na biyahe na lang.

Mas marami na rin ang mag-iisip na gumagamit ng Clark International Airport sa halip ng NAIA dahil mapabibilis na ang pagbiyahe mula SLEX hanggang sa Clark sa Pampanga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page