top of page

Kabi-kabilang programa ng PCUP para sa mga maaapektuhan ng demolisyon, alamin!

  • Alvin Feliciano
  • Mar 6, 2019
  • 2 min read

TINITIYAK ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP na palaging handa ang ating mga kababayan kung sakaling may demolisyon sa lugar kung saan sila kasalukuyang naninirahan.

Para sa inyong kaalaman, mayroong isinasagawang social preparation ang PCUP kung saan hinihikayat nitong aktibong makilahok ang ating Informal Settler Families sa mga usapin tulad ng tenurial security, human development and basic services, employment and livelihood at iba pang serbisyo ng gobyerno upang maging handa sa nakaambang demolisyon.

Tanong: Ako si Jun, may tatlo akong anak. Taga-Maynila ako at magkakaroon daw ng social preparation sa amin ang PCUP dahil ide-demolish na ‘yung tinitirhan namin. Alam namin na gigibain na ‘yung tirahan namin ngunit , wala kaming magawa dahil mahirap lang kami. Ano ba ang kadalasang ginagawa at pinag-uusapan sa social preparation na ‘yan? Ano ba ang maitutulong ninyo sa amin, lalo na at mawawalan kami ng tirahan?

Sagot

Tulad ng ating nabanggit kanina, nagsasagawa ang PCUP ng social preparation para sa mga kababayan nating maaapektuhan ng demolisyon. Karaniwang umiikot sa usapin ng human development, basic services, asset reform at employment and livelihood ang social preparation na isinasagawa ng PCUP kung saan nagkakaroon ng kabi-kabilang serye ng konsultasyon, multi-sectoral dialogue, conflict management at basic orientation sa iba’t ibang programa ng gobyerno. Mayroon ding libreng livelihood programs upang magkaroon pa rin ang bawat isa ng oportunidad na maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay matapos ang demolisyon.

Nagbibigay din ng legal assistance ang PCUP upang masiguro na naaayon sa batas ang isasagawang demolisyon. Dagdag pa rito, kasama rin ang PCUP sa mga ahensiya ng gobyerno na sumusuri sa resettlement sites na lilipatan ng mga kababayan natin, inaalam nito kung ang mga bahay ay may sapat na pailaw at patubig, maayos ang pagkakagawa at mayroong maayos na kalsada.

Ilan lamang ‘yan sa mga ginagawa ng PCUP upang bigyan ng ayuda ang mga kababayan nating mawawalan ng tirahan. Asahan ninyong nandito lamang ang PCUP sa pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan. Titiyakin natin na patuloy tayong magiging ‘direct link’ ng maralitang Pilipino sa gobyerno upang mabigyan ng tugon ang ating mga hinaing at maibigay ang iba pa nating mga pangangailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page