Hired killer todas sa shootout
Pabs Hernandez III
Mar 6, 2019
1 min read
LAGUNA—Isang hired killer ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Alaminos sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jay-ar Siervo, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng mga awtoridad si Siervo, pero imbes na sumuko ay pinagbabaril nito ang pulisya.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments