top of page

Habang namamasada | JEEPNEY DRIVER BINARIL SA ULO NG 3 PASAHERO

  • Maeng Santos
  • Mar 6, 2019
  • 1 min read

PATAY ang 51-anyos na jeepney driver matapos pagbabarilin ng isa sa tatlong hindi kilalang suspek na nagpanggap na pasahero sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kayMalabon Police Chief Col. Jessie Tamayao, dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Gerardo Devilla, ng Bgy. Hulong Duhat.

Sa imbestigasyon nina Sgt. Joselito Bagting at Cpl. Phillip Cesar Apostol, alas-8:15 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang ipinapasadang jeepney (TVL 848) sa kahabaan ng Gov. Pascual, Bgy. Acacia habang nagpanggap namang pasahero ang mga suspek at umupo sa likuran ng driver.

Makalipas ang ilang sandali, naglabas ng baril ang isa sa mga suspek at walang sabi-sabing dalawang beses na pinaputukan sa ulo ang biktima bago nagsitakas patungong Bgy. Tugatog.

Kabilang sa mga anggulong sinisilip ng pulisya na maaaring motibo sa insidente ay personal na alitan habang patuloy naman ang follow-up investigation para maaresto ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page