Babala sa gov’t. employees | ADIK SA ONLINE GAME, SIBAK!

MAUUWI sa linyang “the enemy has been slain” o mahaharap sa pagsibak ang mga empleyado ng isang alkalde sa Biliran kapag naglaro ng online game na Mobile Legends (ML).
Iniutos ni Naval, Biliran Mayor Gerard Espina ang pagpapatanggal sa sinumang kawani ng kanyang tanggapan kapag nahuling naglalaro ng mobile games.
Paliwanag ng alkalde, may mga nagsumbong umano sa kanya na may ilang empleyado sa kanyang opisina na naglalaro ng Player Unknown’s Battlegrounds (PUBG) at ML sa gitna ng kanilang shift.
Sa memo na ipinost nito sa Facebook page, sinabi ni Espina na wala sa responsibilidad ng kanyang mga empleyado bilang mga kawani ng gobyerno ang maglaro ng mobile games.
“Let it be known to all municipal employees that this act is not included in your responsibility, obligation, and duty as public servants,” diin ni Espina sa memo.
Umaasa ang opisyal na magle-level-up na ang mga pinatatamaang empleyado matapos ang kanyang utos.
“I hope that with this memo, suspected employees will ‘level-up’ their maturity in the seriousness of public service or ‘squad up’ to find a new place of employment,” babala ng alkalde.





Comments