Aktres, na-trauma… ANTOINETTE, NILAPA NG ASO SA BAGUIO, NAOSPITAL
Beth Gelena / BULGARY FILES

NILAPA ng chow-chow si Antoinette Taus nu’ng nasa isang gathering ang aktres sa Baguio. Agad siyang naisugod sa ospital.
Ayon sa social media account ni Antoinette, left forearm niya, left thigh at right breast ang nahagip ng chow-chow.
Ibinahagi naman niyang okey na siya at nagpapagaling.
Lahad pa ni Antoinette, animal lover siya at mahilig sa aso. Pero dahil sa pagkakakagat ng chow-chow sa kanya ay na-traumatize siya.
Natawa naman kami sa isang komento na, “Hindi ka talaga gusto ng aso. ‘Yung aso nga noon nina Dingdong (Dantes, ex ni Antoinette), ayaw sa ‘yo, eh.”
Imagine, naikonek pa rin ang past love life ni Antoinette? Hahaha!





Comments