top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

8th WINS, TARGET NG FUELS, CAR MAKERS, SASAGASA SA ROS?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6, 2019
  • 2 min read

PUNTIRYA ng Phoenix Fuel Masters ang ikawalong panalo sa siyam na laro at patatagin ang hawak na liderato kontra sa Magnolia Hotshots at pipiliting iwaksi ng Rain or Shine Elasto Painters ang masaklap na pagkatalo sa Talk ‘N Text na dahilan ng pagkalaglag sa kanila sa unang puwesto para sa second place kontra Columbian Dyip ngayon sa Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Haharapin ng Fuels ang Pam­bansang Manok ng 7 p.m. mata­pos ang 4:30 p.m. na salpukan ng E-Painters at Car Makers kung saan target ni CJ Perez led Columbian Dyip ang pang-apat na panalo sa siyam na laro matapos talunin ang pinapaboran na Meralco at sa pangalawang kingsize win sa huling playing day sa buwan ng Pebrero matapos ang FIBA World qualifying kung saan nakapasok ang ‘Pinas.

Target ng Dyip na isama ang RoS sa kanilang sasagasaan matapos disgrasyahin ang defending champion San Miguel Beer at Meralco at panindigan ang monicker na “giant slayer” nang kunin ang versatile top rookie at back-to-back MVP CJ Perez.

Inaasahang daraan sa butas nang karayom ang Fuels dahil dead serious at determinado ang reigning Governor’s Cup champion Hotshots na manalo at makapasok sa win column. Sa sandaling matalo muli ang Hotshots ay malalagay sa alanganin ang quarterfinals campaign nila na iniiwasan ni coach Chito Victolero na ma-eliminate agad. Ayaw din ni Phoenix coach Louie Alas na mabiktima ng Magnolia.

“Magnolia is hell bent to win by all means. We have to be prepared against them to win and avoid defeat. I reminded my players to be extra cautious and stay focus throughout to win and stay on top and fortify our campaign in the quarterfinals,” sabi ni coach Louie Alas.

This game not only put our hold of the top position on the line but also put our credential at stake,” wika ni Alas na target ang unang PBA crown at mapasa­ma sa “elite club of champions” na ikinalugod ni team owner Dennis Uy.

Sasandal si Alas sa top gunners na sina Matthew Wright, Cal­vin Abueva, Alex Mallari, Jayson Perkins at LA Revilla na magka­tuwang na babanta­yan nina Justine Chua, Dave Marce­lo at Doughlas Kra­mer ang shaded lane para hindi maka-penetrate ang mga bata ni coach Chito Victolero sa pangunguna nina Paul Lee, Mark Andy Barroca, Justine Melton, Jio Jala­lon, Ian Sanga­lang at Rome de la Rosa. (Clyde Mariano/ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page