TULOY ANG TORNEO, BUBUO ANG CBA LEAGUE NG ALTERNATIVE VENUE


MAGLALAAN ng isang alternatibong venue ang Community Basketball Association (CBA) para sa mas bata at talented players na pakay magkapangalan sa bagong paboritong sport at iyan ay sinang-ayunan nina team owners at officials Rinbert Galarde ng Malabon, Brian Tan ng Marikina, Atty. Bong Africa ng Nueva Ecija at Raymond Reyes ng Manila.
Anila ang pagbuo ng community-based league ay napapanahon at mahalaga dahil na rin sa kahiligan ng Pinoy sa basketball lalo na at pasok na ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa China.
Lahat ng apat na CBA team owners at officials ay dumalo sa weekly TOPS “Usapang Sports” sa National Press Club sa Intramuros. “As the country’s No. 1 sport, basketball is really the right vehicle to reach out to the youth and encourage them to lead a healthy, drug-free lifestyle,” ayon kay Galarde sa sports session.
Si Galarde, hawak din ang Arcegee Sportswear ay sumuporta sa Pinoy Youth Dreamers team na sumabak sa international 3x3 tournament sa Vietnam noong 2018. Regular na torneo naman ang nais ni Tan, isa sa prime movers ng Marikinas Sapateros team kung saan ang young at talented players ay nabibigyan ng tsansa na makita ang kakayahan.
“Sports help a lot in nation-building. It is a good vehicle to instill discipline and raise responsible citizens. Sa CBA, excited na ang mga Novo Ecijanos na panoorin ang aming team, NE Defensers,” ani Africa.
Ang CBA ay ang first community-based league ni actor-director Carlo Maceda kung saan si PBA legend Pido Jarencio ang adviser. Ang laro ay live sa Facebook via Glitter Livestream at IBC 13 sa delayed telecast at media partner ang TOPS. (MC)





Comments