top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PETMALU SI CLARKSON SA CAVS WESTBROOK, HATAW SA OKC

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2019
2 min read

PINATUTUNAYAN ni Fil-Am Jordan Clarkson na may ibubuga talaga siya. Umiskor siya ng 18 points, upang balikatin ang Cleveland Cavaliers sa malaking kalamangan sa fourth quarter at tapusin sa 107-93 na panalo ang laro kontra bisitang Orlando Magic sa NBA game kahapon.

NAKATULONG si Collin Sexton sa 17 points sa 6-for-11 shooting. Pumoste si Kevin Love ng double-double na 16 points at 14 rebounds, habang tumapos si Cedi Os­man ng 14 points at 6 boards. Ikaapat na beses na panalo ito ng Cleveland sa nagdaang anim na laro.

Nalam­pasan ng Cavaliers ang 100 points sa na­ka­raang walong laro. Nasa­yang naman ang 28 puntos ni Magic big man Niko­la Vucevic bagamat may 13 rebounds at six assists.

Sa iba pang laro, bentahe pa rin ng team si Russell Westbrook sa nagawang 22 points kabilang na ang dalawang big shots sa pagsasara ng game at mamuno sa panalo ng Oklahoma City Thunder sa 99-95 home win kontra Memphis Grizzlies.

Ang panalo ang pumutol sa four-game losing streak ng Thunder, ang una ng team mula sa 0-4 start ng season at nanatiling patas sa Portland para sa ikatlong pu­westo sa Western Conference nang magwagi ang Trail Blazers sa Charlotte sa unang laro.

May anim nang kabi­guan ang Grizzlies sa walong laro. Bumagal pa ang Oklahoma City sa pagpasok ng second pero uminit ang laro at walong minutong pina­lam­ya ang kasagupa.

Nag­mintis ang Grizzlies ng 13 sunod na shots matapos ang alley-oop finish ni Avery Bradley sa nalalabing 7:35 minuto at iangat ang Memphis sa 11 puntos. Makaraan ay nakapagsalpak si Jonas Valanciunas ng dalawang libreng tira para mapalawig pa ang pamumuno ng Grizzlies sa 89-76 nang sumunod na minute. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page