Miyembro ng NPA sumurender
- Pabs Hernandez III
- Mar 5, 2019
- 1 min read
MASBATE—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Tinigban, Aroroy sa lalawigang ito.
Kinilala ang sumuko na si Joseph Martinez, alyas Ka Jo, miyembro ng NPA na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ni Martinez ang dala nitong shotgun, kalibre 45 pistola, mga bala at subersibong dokumento.
Ayon kay Martinez, nais na umano niyang makapiling ang kanyang pamilya kaya nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan.





Comments