top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga hambog, balimbing, pasaway, walang sense | ‘OTSO DIRETSO’, PAPUNTANG IMPIYERNO — DIGONG

  • Mylene Alfonso
  • Mar 5, 2019
  • 1 min read

BINATIKOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang senatorial slate ng oposisyon at tila papuntang impiyerno umano ang ‘Otso Diretso’.

Sinong ipalit mo d’yan sa ‘yang ‘Otso Diretso’ papuntang impiyerno? Totoo lang, hindi ako na-ano. Walang ginawa ‘yang mga tao na ‘yan puro criticize, hindi pa maniwala,” ani P-Duterte.

Tinawag ng pangulo si Mar Roxas na mayabang.

Mar Roxas. Susmaryosep. Hambugero man ito. Sabi ko, tama ka na, Mar, yaya ka lang. Ewan ko kung gawain ninyong senador. Wala na ito. Napakita na niya. Kung ‘yung kampanya ipinakita niya ang the best niya, hindi siya manalo kay former Special Assistant to the President Bong Go, sa totoo lang,” diin ng pangulo.

Pinaratangan din ni Duterte si Roxas na palipat-lipat ng partido.

Si ex-Cong Erin Tañada naman aniya na miyembro ay makakaliwa.

Habang si Sen. Bam Aquino umano ay nahahawig lang sa kanyang uncle na si dating Senador Benigno ‘Ninoy”’ Aquino, Jr. “Bam Aquino. Alam mo maski ano ka, Bam, malayo ka sa... kamukha ka lang. Pero ‘yung... ano bang significant na nagawa mo? What have you done that is really impressive? Puro kayo oposisyon, puro kayo pasaway,” giit ng pangulo.

Wala naman umanong sense magsalita si Cong. Gary Alejano.

Malayo naman umano si Atty. Manuel Diokno sa kanyang namayapang ama na siex-Sen. Jose W. Diokno.

Para sa pangulo, sinabi niya kay election lawyer na si Romulo Macalintal: “Abugado ka lang kung may pera ka. Papasok d’yan wala kang pera.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page