top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya watch your words, mga beshy! MGA SALITANG HINDI DAPAT NARIRINIG NINA BAGETS, ALAMIN!

  • Jersey Sanchez
  • Mar 5, 2019
  • 2 min read

No Problem

SHOUTOUT sa mga mamshie natin diyan na hindi maiwasang ma-beastmode kapag nagkakamali o pinangangaralan si bagets. Kung minsan, eh, hindi tayo aware na ang mga salitang binibitawan natin ay may masamang epekto na pala sa kanila. Kaya imbes na may maganda silang matutunan sa ating pangangaral, eh, napapasama pa. Tsk, tsk, tsk! Anu-ano ang mga salita na dapat nating iwasang banggitin sa mga pagkakataong ‘yun? Hmmm…

1. YOU’RE DRIVING ME CRAZY. Ayon sa mga eksperto, ang pagsasabi ng katagang ito sa bata ay mayroong negatibong epekto tulad ng pagkakaroon ng mindset na siya ay nakaaabala at nakaiirita para sa iyo.

2. WHY DON’T YOU JUST QUIT. Ang mga magulang ang dapat na maging “solid support system” ng mga bata sa lahat ng gusto nilang gawin, kahit pa umabot sa punto na masyado nang mataas ang gusto nilang maabot.

3. DON’T HURT HIS/HER FEELINGS. May mga pagkakataon na kailangan nating maging totoo nang sa gayun ay hindi lumala ang damage na posible nating maidulot sa indibidwal.

4. YOU’LL NEVER AMOUNT TO ANYTHING. Kahit hindi bata, eh, kung sasabihan ka ng ganitong mga salita, siguradong madudurog ang iyong puso. Kaya sa mga mamshie riyan na istrikto sa pagme-maintain ng grades nina bagets, make sure na hindi ninyo sasabihin ang mga katagang ito dahil siguradong hindi ito makatutulong.

5. YOU SHOULDN’T FEEL THAT WAY. Madalas nating naririnig ito sa mga magulang na pinangangaralan ang kanilang anak, gayun­din sa mga nagbibigay ng payo sa atin dahil sa paniniwalang nakatutulong ang mga salitang ito upang mapagaan ang ating loob. Pero, mga mamsh, ang pagsasabi nito kay ba­gets ay isa umanong para­an ng pag-i-invalidate sa ka­nilang feelings.

Oh, ayan, mga mamshie at papshie, dehins masamang pangaralan sina bagets, pero make sure lang na kaya pa rin nating kontrolin ang ating sarili nang sa gayun ay maiwasan nating magsabi ng mga bagay na habambuhay nilang dadalhin.

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page