Kasalanan naman daw dahil utu-uto at madaling bumigay… HIRIT NG NETIZENS: ANGELICA, ALA-KRIS, TODO-


NANG ma-brokenhearted si Angelica Panganiban dahil sa hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz, matatandaang ang daming hugot ng aktres sa social media.
Natigil lang ang mga patutsada ni Angelica laban sa ex-BF nang muling nagkaroon ng kulay ang mundo niya dahil sa pagbabalik ni Carlo Aquino na first BF niya.
At obyus namang hindi lang si Angelica ang kilig na kilig kundi pati ang mga CarGel fans na umasang may balikan ngang mangyayari sa ex-couple dahil sa sweetness nila ‘pag magkasama.
Pero ang siste, muli ngang nasaktan si Angelica nang lumutang ang sinasabing non-showbiz girlfriend ni Carlo sa panahong ang akala ng lahat ay nagkabalikan na sila.
Dahil d’yan, ikinokonek na naman tuloy ng mga fans ng aktres na ang kanyang latest post tungkol sa “Mango… ice cream hindi gamit” ay patutsada niya sa ex-BF na si Carlo na inaakusahang user ng mga fans ni Angge (palayaw ni Angelica).
May mga fans ng aktres ang naaawa sa kanya dahil ‘nabiktima’ na naman daw ito ng pa-fall na si Carlo.
Pero may ilang netizens naman ang nagagalit pa kay Angelica dahil tuwing mabo-brokenhearted na lang daw ito, para siyang si Kris Aquino na panay ang patutsada sa kanyang ex-BF sa social media.
Wala naman daw ibang puwedeng sisihin si Angelica kundi ang sarili rin dahil madali siyang bumigay, nagtiwala at nagpauto sa pagpapakilig ni Carlo na obyus naman daw napilitan lang dahil sa panunukso ng kanilang mga kaibigan.
Awww! Kung ito man nga ang totoong sitwasyon nina Angelica at Carlo, nakakaawa naman talaga ang aktres na ang kasalanan lang ay nagmahal nang lubos pero laging sa hiwalayan nauuwi.
Tsk, tsk!





Comments