top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kandidatong sangkot sa droga, ibubulgar — DILG | UNFAIR! — COMELEC

Madel Moratillo
Mar 4, 2019
1 min read

IGINIIT ni Commission on Elections (Come­lec) Commissioner Rowena Guanzon na hindi patas kung magla­labas ng listahan ng mga pulitikong ina­aku­sahan na sangkot sa iligal na droga sa panahon ng election period.

Una nang sinabi ng De­partment of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) na plano nilang maglabas ng narco-list bago ang May 13 midterm elections.

“Negative campaigning ‘yang ginagawa nila kapag nilagay nila sa listahan ‘yan. ‘Huwag niyong iboto ‘to ng mga taong kasi mga drug pusher ito’. Eh, ‘di negative campaigning iyan. Unfair naman ‘yun,” bahagi ng pa­hayag ni Guanzon sa pana­yam sa radyo.

Payo ni Guanzon sa DILG at PDEA, kasuhan muna ang mga pulitikong sangkot sa iligal na droga bago ilabas ang nasabing listahan.

“Puwedeng ilagay n‘yo, ‘Ito may mga kaso na laban sa mga taong ito for viola­ting Dangerous Drugs Act. Puwede,” dagdag pa ni Guan­zon.

Paglilinaw ng poll offi­cial, maaaring diskuwali­pi­kahin ng poll body ang mga kandidato na mahapan sa nasabing krimen.

Paliwanag pa nito na ang paglalagay ng pangalan sa nasabing listahan na hindi pa naman napatutunayan ng ka­nilang pagkakasangkot sa iligal na droga ay ma­ituturing na libel.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page