Hirit ni JV, mga mandarambong bitayin; utol na si Jinggoy, sapol?

SEN. JV, GUSTONG BITAYIN ANG MGA PLUNDERER; EX-SEN. JINGGOY, SAPOL? — Ayon kay Sen. JV Ejercito, pabor daw siyang patawan ng death penalty at bitayin ang mga plunderer.
Tila yata hanggang ngayon ay may galit pa rin si Sen. JV sa pagtakbong senador ng half-brother niyang si ex-Sen. Jinggoy Estrada kasi alam niyang hanggang ngayon ay may kinahaharap pa rin itong kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam tapos ang gusto niyang mangyari, eh, bitayin ang mga plunderer, boom!
◘◘◘
HUWAG PALOKO SA PARTYLIST NG MGA TRAPO — Maraming partylist na ang nominado ay mula sa pamilya ng mga trapo (traditional politician).
Ganyan kagarapal ang mga trapo kasi kumakandidato na sila sa ibang posisyon sa gobyerno tapos nagtatag pa sila ng sarili nilang partylist para kung sakaling manalo ay maging congressman o congresswoman ang kanilang mga kapamilya.
Kaya panawagan natin sa publiko, huwag paloko sa mga ganitong uri ng partylist at dapat ibasura sa eleksiyon ang partylist ng mga trapo!
◘◘◘
‘KJ’ ANG DEPED — Nagpasya si Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones na huwag nang magdaos ng graduation rites sa mga kinder at Grade 10 pupil at dapat daw ay simpleng moving up o closing ceremony na lang.
Napaka-KJ (killjoy) naman ni Sec. Briones kasi kasiyahan na ng mga magulang na makitang guma-graduate sa paaralan ang mga paslit nilang anak, eh, ipinagkait pa, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
PASAY CITY STATION COMMANDER SR. SUPT. FLORES, ‘NGANGA’ SA RAKET NI ‘CHRISTIAN’ — Isang alyas Christian daw ang may kontrol ng operasyon ng lotteng at bookies sa Pasay City.
O, ano, Pasay City Chief of Police/Sr. Supt. Noel Flores, “nganga” ka na lang ba sa raket ni “Christian”? Aba, aksiyon na, ipahuli mo na ang iligalistang ito, dali!





Comments