top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bus driver at konduktor | FIXED NA ANG SAHOD

Mylene Alfonso
Mar 5, 2019
1 min read

SIMULA sa Marso 9, tatanggap na ng fixed salary at performanced-based incentives ang lahat ng driver at konduktor ng pampasaherong bus.

Nangangahulugan ito na tapos na ang tinatawag na “porsiyentuhan” sa kanilang hanay ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Kaugnay nito, naglabas ng paalala ang NWPC sa lahat ng mga bus operator sa bansa na sumunod sa nasabing direktiba.

Samantala, ang pay package para sa driver at konduktor ng mga bus ay nakabase sa ruta na kanilang ibiniyahe, kita ng kumpanya, safety records at iba pa.

Ayon pa sa NWPC, hindi dapat bumaba sa tinatanggap na minimum fare ng mga arawang manggagawa sa partikular na rehiyon ang sahod ng mga tsuper at konduktor.

Sakop din sa salary package ang 13th month pay, sick at vacation leave, overtime, night differential at iba pa. Layunin ng nasabing incentive package na mabigyan ng tamang benepisyo ang nasabing sektor at para makaiwas na rin sa mga aksidente dahil sa pag-uunahan sa pagkuha ng mga pasahero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page