top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bukod sa pagsu-swimming, lodi! MGA BAGAY NA PUWEDENG GAWIN NGAYONG SUMMER

Donna Thea Topacio
Mar 5, 2019
2 min read

WALA ba kayong time na gawin ang mga bagay na gusto ninyo? Huwag ka­yong mag-alala dahil for sure, nga­yong summer, eh, maibu­buhos na ninyo ang lahat ng inyong ma­kakaya para ma-improve ang mga bagay kung saan ninyo gustong gu­maling.

Kaya, narito ang ilang tips kung paano ninyo mae-enhance at madi-discover ang talent nin­yo ngayong summer:

1. ENROLL IN SPORTS PROGRAM. Of course, kung bet nin­yong mag-excel sa isang bagay, make sure na mag­papaturo kayo sa mas sanay at magaling na.

Kung bet ninyong matuto ng iba’t ibang sports, puwede kayong mag-enroll sa mga libreng clinic na madalas makikita sa basketball court ng in­yong barangay. He-he-he!

2. BUY AN INS­TRUMENT. Kung mu­sic lover kayo, why not na bumili kayo ng gitara, ukelele, drums at marami pang iba nang sa gayun ay makapag-practice ka­yo ngayong bakasyon at marami na kayong oras para mag-focus dito.

3. LEARN HOW TO ADJUST. Adjust-adjust din kapag may time, kung may gusto talaga ka­yong bagay, parang babaeng ni­liligawan lang ‘yan, ka­ilangan kayo ‘yung ga­gawa ng move para ma­gawa o mapagtagum­payan ninyo ‘yung gusto ninyong mangyari. Gets?

4. ASK YOUR LOVED ONES. Kung medyo nalilito kayo kung ano ang gusto ninyo, make sure na hihingi rin kayo ng advice sa mga ta­ong malalapit sa inyo da­hil sila ang higit na na­ka­aalam ng kakayahan ninyo at kung saang la­rangan kayo nababagay.

Pero, make sure na kayo pa rin ang magde­desisyon, ha?

5. PURSUE YOUR CAREER. Kung nabu­buo mo na ang iyong ca­reer sa kasalukuyan at gusto mo pa itong ma-improve, dapat ay pu­munta ka sa mga semi­nar na alam mong may ma­iko-contribute para sa iyo.

Oh, ayan, mga beshy, dehins lang puro swim­ming, bakasyon at pagre-relax ang magagawa nga­yon summer dahil keri rin ninyong ma-discover o ma-enhance ang in­yong mga talent.

Kaya ano pa ang hini­hintay ninyo, gora na!

Okiee?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page