Bomba natagpuan sa kalsada
NORTH COTABATO—Isang bomba ang natagpuan, kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Bgy. Ginatilan, Pikit sa lalawigang ito.
Ang bombang natagpuan ay improvised explosive device o IED na gawa sa pulbura ng 40MM at may nakakabit itong kawad ng kuryente at baterya.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa mga awtoridad tungkol sa natagpuan nilang bomba at sa kasalukuyan ay nasa pag-iingat na ng pulisya ang nasabing pampasabog.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang mabatid ang pagkakakilanlan ng suspek na naglagay ng bomba sa nasabing lugar.





Comments