WORLD WOMEN POWER, NAMAYANI SA 14TH SEA YOUTH ATHLETICS C’SHIPS

ILAGAN CITY- Binigyang-kulay ng mga babaeng atleta ang “World Women Power” month namayani sa kanilang paboritong events kasama si local pride Mariel Abuan sa pagtatapos ng 14th Southeast Asia Youth Athletics Championship kung saan gumawa si Jonah Chang Anak Rigan ng Malaysia ng new meet record sa shotput.
Dinomina ng Thailand dala ang 48 athletes na inagaw sa Vietnam ang overall championships na humakot ng 12-5-4 kabuuang medalya, pumangalawa ang Vietnam 5-9-7, sinundan ng Malaysia 4-3-1; Indonesia 2-1-3; Pilipinas 3-4-7; Timor Leste 1-3-1 at Singapore 1-2-3. Walang nakuha ang Brunei na kahit anong medalya.
Ipinakita ng 14-anyos na taga-Botolan, Zambales ang kanyang galing sa paglundag sa tinalon niyang 1.65 meters at dinaig ang mga Vietnamese na sina Thanh Vy Nvguyen at Quynh Giang Pham na kinuha ang pilak at tanso.
Sumosyo kay Abuan ang kapwa women athletes sina Thu Quyen Nguyen at Ngoc My Huynh ng Vietnam, Chinenye Josephine Onurah at Sadanan Thipchan ng Thailand at Sukanda Petraksa and Nataya Mahdalita ng Indonesia na sinaksihan ng alkalde rito at World Masters Athletics veterans Drolly Claravall at Rosejean Yparaguirre.
Ang ginto ni Abuan ay pangatlo kasama ang panalo ni Ma. Krizzhie Clarisse Ruzol sa pole girls na 2.60 meters at Hokket de los Santos sa boys 4.20 meters matapos magwagi si Tanwarak Kanassavapaisal ng Thailand sa boys hammer throw 54.44 meters.
Dinomina ni Thu ang 1500m na naorasan ng 4:42.42 segundo at si Ngoc sa shotput 14.73; namayani si Chinenye sa 400m 56.61 segundo, nagwagi si Thipchan sa triple jump 11.69 meters; nanalasa si Petraksa sa 200m 25.88 segundo at nanguna si Mahdalita sa hammer throw sa paghagis ng bakal na bola sa layong 47.78 meter.
Matapos manalo sina Abuan, Nguyen, Ngoc, Chinenye, Thipchan, Petraska at Mahdlita, ginulat ni Jonah ang mga nanood nang magtala ng bagong meet record sa shotput boys sa 18.03 meters at binura ang lumang record na 16.76 metro na ginawa ni Patcharapol Singrueng ng Thailand noong 2018.
“I didn’t expect I do it in my first appearance in this tournament and second foreign exposures. I’m happy, I did it. My record breaking win is a precious late birthday presence,” sabi ni Jonah na 16-anyos na noong Peb. 25.





Comments