U.S. at sokor sa key joint military exercises: stop muna
KINUMPIRMA ng Defense ministry ng South Korea na napagdesisyunan nila at kanilang U.S. counterpart na itigil ang taunang large-scale joint military exercises.
Kamakalawa, nag-usap si Jeonh Kyeong-doo at kanyang U.S. cunterpart na si Patrick Shanahan sa telepono kung saan napag-usapan at inaprubahan ang plano kaugnay sa pansamantalang pagtigil sa Foal Eagle Exercises.
Gayundin, napagkasunduan ng dalawa na ipatutupad lamang ang “adjusted outside maneuver trainings and united exercises” upang masigurado ang kanilang military readiness.
Samantala, ang Foal Eagle Joint Military Exercises sa pagitan ng US at South Korea ang pinakamalaki at regular joint exercises na isa sa pinag-iinitan ng Pyongyang.
Tinatayang nasa 200,000 South Korean Forces ang nakikilahok sa naturang joint military exercise habang nasa 30,000 U.S. soldiers ang kalahok.
Gayunman, kasama sa nasabing joint military exercises ang Key Resolve, isang computer-stimulated war game na ginagawa ng mga military commander na magsisimula ngayong buwan na tatakbo ng sampung araw.
Una rito, umalma si U.S. President Donald Trump dahil magastos umano ang joint military exercises.





Comments