top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Tinangkang gahasain sa sementeryo | 14-ANYOS NA PASAHERO TINANGAY NG TRIKE DRIVER

Jeff Tumbado
Mar 4, 2019
1 min read

KALABOSO ang 41-anyos na tricycle driver sa tangkang panghahalay sa 14 taong gulang na babae na kanyang pasahero sa Sarrat, Ilocos Norte.

Hindi na nakapalag nang dakpin ng pulisya ang suspek na si Jesus Feliciano, naninirahan sa Bgy. Sto. Domingo, makaraang ituro siya mismo ng kanyang biktima.

Ani Police Major Roldan Suitos, pinara umano ng biktima kasama ang dalawa pa nitong kaibigan si Feliciano na sa pagkakataong iyon ay namamasada sa lugar.

Nauna na umanong bumaba ang dalawang kasama at mag-isa na lamang na nagpahatid ng bahay ang biktima kay Feliciano.

Gayunman, sa halip na idiretsong iuwi ang menor-de-edad ay iniliko ng suspek patungo sa madilim na bahagi ng sementeryo sa Bgy. Sto. Domingo at doon tinangkang hubaran at halayin ang biktima.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang naudlot ang suspek sa ginagawang pangmomolestiya sa bata na kalaunan ay inihatid pa niya ito sa bahay.

Rito na nagkaroon ng pagkakataong makapagsumbong sa kaanak ang biktima na dahilan para lumapit sa pulisya ang mga ito upang ipagharap ng reklamo si Feliciano na nakumpiskahan ng baril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page