top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pinaghahandaang mabuti… TOM, KUMANTANG GUSTO NANG ANAKAN SI CARLA

Beth Gelena
Mar 4, 2019
1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

KUNG tutuusin, gusto nang maging ama ni Tom Rodriguez. Inamin niyang gusto na nilang magkaanak ng 5 years girlfriend niyang si Carla Abellana.

Pero mangyayari lang daw ‘yun kung magpapakasal na silang dalawa.

Ayon kay Tom, wala pang proposal na nagaganap. Kailangan daw kasi ay wedding muna. Kapag may suot nang singsing si Carla ay madali na raw ‘yung magka-baby sila.

Wala na nga namang mahihiling si Tom dahil sa itinagal na ng relasyon nila ng Kapuso actress ay kilala na nila ang isa’t isa.

Isa pa, pinaghahandaan daw nilang mabuti ang lahat nang sa gayon ay walang pagsisisi sa bandang huli.

May na-invest na rin ang dalawa. Nakabili na sila ng lupang pagtatayuan ng kanilang dream house.

Si Tom ay may bagong fantaserye sa GMA-7, ang Dragon Lady na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez na mapapanood pagkatapos ng Eat…Bulaga!.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page