ORCULLO, HARI SA MP 10-BALL OPEN SA GENSAN
- Eddie M. Paez, Jr
- Mar 4, 2019
- 1 min read

PINIGIL ng TNT KaTropa ang pamamayagpag ng Rain or Shine Elasto Painters matapos pindutin ang 100-92 panalo kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Ynares Center, Antipolo.
Tumikada si Jayson Castro ng 20 points, 10 assists at pitong rebounds upang tulungan ang KaTropa na ilista ang 4-3 karta habang nalasap ng Elasto Painters ang pangalawang talo sa siyam na laro. Bumakas din si Troy Rosario ng 20 markers at anim na boards para sa TNT. Umarangkada ang KaTropa sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 17-point lead, 56-39 sa halftime. Bahagyang nakalapit ang Elasto Painters sa third, nakaungos sila ng 26-19 para tapyasan ang hinahabol sa 10, 65-75 papasok ng fourth quarter. Subalit nanatiling naging matatag ang TNT sa payoff period upang masikwat ang panalo.
Samantala, magtatapat sa Miyerkules ang Phoenix FuelMasters at Magnolia Hotshots, parehong galing sa panalo kaya paniguradong bakbakang umaatikabo para magtuloy ang winning streak. Tangan ang 7-1 karta, kakapitan ng FuelMasters ang momentum matapos magtala ng dalawang sunod na panalo.Inilista naman ng Hotshots ang unang panalo ngayong conference nang kalusin nila ang Meralco Bolts noong Sabado. May 1-3 card ang Magnolia, magsisimula ang pagtutuos nila sa Phoenix ng 7 p.m. sa Araneta Coliseum.
Muling huhugot ng puwersa si Hotshots head coach Chito Victolero kina Jio Jalalon, Paul Lee at Mark Barroca upang masungkit ang pangalawang panalo at manatiling malakas ang tsansa na makahirit ng laro sa susunod na phase. Samantala sa ikalawang laro, di pinaporma ng Alaska Aces ang Ginebra sa iskor na 104-78. Namayani sa laro si Chris Banchero sa bisa ng 20 puntos. (ATD)





Comments