METAMORPHOSIS, WAGI SA PHILRACOM-RBHS

HUGANDONG nanalo ang mananakbong Metamorphosis makaraang talunin ang liyamadong magka-couple entry na Cabo Negro at Already Feisty sa paghaharap ng dalawa sa Philracom-Rating Base Handicapping System (RBHS) sa San Lazaro Leisure Park,Carmona, Cavite kahapon.
Sa pagbubukas ng starting gate bilang hudyat ng laban sa 1,500 kinuha ng Batang Annala ang unahan habang nakabuntot ang Hidden Light at nasa pangatlong puwesto ang Song of Songs.
Hindi pa rin nagbabago ang liderato pagsapit sa kalahing ng karera,hanggang kunin ang pangalawang puwesto kay Hidden Light ni Carbo Negro at nasa pangatlong posisyon ang Song of Songs at unti-unti nagpapalakas ang Metamorphosis.
Dito unti-unti ng nagagalawan ang mga hinete habang papasok sa pangalawang puwesto ang paparating na si Metamorphosis ni Hermie Esguerra. Pagsapit sa huling 100 meter na karera inagaw ng kabayong Cabo Negro ang unahan kay Batang Annala hanggang sa magdatingan sina Song of Songs at Metamorphosis hanggang kunin ang liderato.
Pagsapit sa huling 50 meters tuluyang lumayo ang Metamorphosis at iniwan ang pumangalawang si Cabo Negro at Song of Song hanggang tawirin ang finish line. Maganda rin ang pinanalo ng My Only Treasure kontra sa Momentum sa 1400 meters na karera.
Samantala,napanalunan naman sa Eli Brassous ang karera nitong Sabado ng pagwagian ang Group Race (9) sa Race 1 at pinagwagian ng may 4 na kabayo ang Philracom RBHS Leonora’s Angel.
Binigyan ng magandang laban ang Trust Worthy ng Arianna Malia ng pagwagian sa Race 3 habang hugandong nanalo ang Gil’s Magic sa 1,300 meters na karera. Habang hugandong nanalo ang Comper Girl sa Lemonada sa Race 7 at pinagwagian ng Kalambogis ang 3 Year Old and Above Maiden Race.





Comments