top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di ma-take na may bago nang dyowa ang ex… KRIS, IPINAGDAMOT SI JOSHUA KAY IPE, TODO-SUMBAT NGAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4, 2019
  • 1 min read

DAHIL inumpisahan na rin ni Kris Aquino ang panunumbat at pagbabalik sa kanilang nakaraan ng action star na si Phillip Salvador, marami sa mga nakakaalam ng kanilang love story noon ang nag-react at idinepensa si Kuya Ipe.

Paano magagawa ni Phillip na lo­kohin lang ang isang Kris Aquino, eh, at the time na nagkaroon sila ng relas­yon matapos magtambal sa pelikula, kasa­lukuyang pangulo ng Pilipinas ang kanyang inang si Tita Cory Aquino?

Anak ng presidente, lolokohin lang ng isang action star?

May mga internal problems pa noon si Kuya Ipe, kaya hindi niya napakasalan si Kris. Pero, never na pumasok sa isip niya na lokohin ang presidential daughter.

Ingat na ingat noon si Phillip sa kan­yang mga kilos. Ipinagpasa­lamat din niya na nang ipagbuntis ni Kristeta si Joshua ay nakasuporta-naka­alalay dito si Pangulong Cory Aquino (SLN).

Natatandaan din namin na proud daddy ni Joshua si Phillip dahil madalas niyang isinasama noon ang anak ‘pag may laro siya sa Star Olympics.

Kung si Phillip lang ang masusunod, gustung-gusto niyang makapiling at maka-bonding si Joshua.

Pero, ipinag­kait nga sa kanya ni Kristeta ang chance na maging tatay ni Josh, hanggang sa dumalang na ang komunikasyon ng mag-ama.

Tapos, sasabihin ngayon ni Kris na nangungulila si Joshua for 23 years sa yakap ng kanyang ama? Eh, sino ba ang may kasalanan na nauwi sa ganu’ng senaryo ang lahat?

‘Di ba’t nang may naka­relasyon na bago si Ipe at nagka­anak sila, doon na ipinagdamot ni Kristeta si Joshua sa kanyang ama?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page