BLUE EAGLES AT LADY BULLDOGS, NAGKAMPEON SA UAAP 3X3


PINADAPA ng Ateneo de Manila ang University of Santo Tomas, 19-13, upang makopo ang men’s crown ng UAAP Season 81 3x3 basketball tournament kahapon sa Ayala Malls Feliz sa Pasig.
Sa women’s division, napanatili naman ng National University ang korona matapos durugin ang Adamson University sa finals, 21-3.
Nagtala ang Ivorian slotman na si Ange Kouame ng 11 puntos, habang nagdagdag si Thirdy Ravena ng 6 na puntos upang pamunuan ang Blue Eagles sa pagkumpleto ng 8-0 sweep ng torneo.
Naunang tinalo ng Ateneo ang De La Salle, 15-7, upang makausad sa Finals habang ginapi naman ng UST ang University of the Philippines, 14-11, sa isa pang semifinals pairing. Nanguna naman si Jack Danielle Animam para sa Lady Bulldogs sa itinala niyang 8 puntos. (VA)





Comments